.:OUCH!!! Ang sakit nun ah!!!:.
Ang LOVE daw ay ndi
minamadali..hindi pinipilit..at
lalong hindi kina-career..
IT COMES NATURALLY..
as in magugulat ka na lang isang araw..
magigising ka na, siya ang nasa isip mo..
hindi pinilit na isipin ha..
basta NAISIP mo na lang basta..
mapa-pangiti ka na lang..
at basta na lang gagaan pakiramdam mo..
na tipong kahit mukha ka ng tanga..
eh ok lang sayo..
ngiti ka pa rin..
hindi nababase sa tagal ng pinagsamahan..
hindi rin sa dalas ng pagkikita..
hindi rin sa ilang beses na pagkakausap sa phone..
lalung-lalo ng hindi sa dalas ng pagt-text..
May MAGIC kasi yan eh..
MAGIC na hindi naka-cast ng kung sinuman..
MAGIC na matagal na palang nandun..
hindi mo lang namamalayan..
Isusugal mo ba yun?..
Yung feeling na sobrang wala ka ng hahanapin pang iba?..
papabayaan mo bang masira un?..
ASA PA!!..
kaya nga heto lang un eh..
wag na kasi kayong magmadali..
unang-una…
PANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA?..
dahil ba natutuwa ka sa kanya?..
o kaya naman naaaliw ka?..
naswi-sweet-an ka ba ng sobra sa kanya?..
kinikilig ka ba pag nakikita mo siya?..(kasi hawig niya ung ex mo?)
at nahi-high kapag naririnig mo na ang boses niya?..(dahil ka-boses niya ung favorite singer mo?)…
eh teka muna..
baka naman infatuated ka lang..
o kaya naman kagaya nga ng sagot mo..
BAKA naaaliw ka lang..
dahil kakaiba siya..
may spark na hindi mo maintindihan..
tsk!(ang saklap nyan!)..
pangalawa..
GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA?..
madali ba siyang mapikon?..
pano ba siya ma-badtrip?..
madali bang mahalata na may topak siya?.
ano bang suot niya pag nasa bahay siya?..
shorts ba o pantalon?..
nakasando ba siya o naka t-shirt lang?..
matagal ba siyang maligo?...(may 10 hours kaya?)
ilang beses ba siya magtoothbrush sa isang araw?
kumakain ba siya ng vegies?..
tamad ba siya?..
adik ba siya sa gym?
mas gusto ba niyang manood ng tv kesa magbasa
ng libro?..
nagpe-play station ba siya?..
mahilig ba siyang bumili ng pirated products?
3 ba ang pamangkin niyang lalaki?..
makukulit ba mga kamag-anak niya?..
green ba kulay ng gate ng bahay nila?..
sa village ba siya nakatira?..o sa gilid ng village? (baka kapitbahay ko yan..)
may sasakyan ba ng jeep na malapit sa kanila?..
nagsisimba ba siya linggo-linggo?..
kasama ba yung pamilya niya?..
at nagdadasal ba siya bago matulog?..
in short..
alam mo na nga ba?..
ang mga bagay-bagay..
ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya..
na nagde-determine ng sarili niya..
as in kung sino ba talaga SIYA..
pangatlo..
KAYA MO Ba SIYANG TANGGAPIN?..
as in TANGGAPIN ng buong-buo..
sa lahat ng trip niya sa buhay..
sa lahat ng katopakan niya..
sa lahat ng pag-iinarte at pag-da-drama niya..
sa lahat ng kasalanang nagawa,ginawa at gagawin pa ..
sa lahat ng naiisip niya..
sa lahat ng sasabihin niya..
sa kilos niya..
sa pananamit niya..
sa pagsasalita..
sa pananaw nya sa buhay..
sa pagtrato niya sa tao..
sa lifestyle niya..
sa uri ng pamilyang meron siya..
sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya..
sa style niya pagdating sa love..
sa ka-sweet-an niyang natural..
sa paglalambing niya..
sa tawa niyang pagkalakas-lakas..
sa manners niya..
sa pagmumura niya..
sa bisyo niya kung meron man..
sa mga pang-aasar niya sa’yo..
sa style niya pagdating sa pag-solve ng problema..
sa pr0blemang maaari ka ring masama..
pang-apat..
KAYA MO BaNG MAGING TOTOo?..
kaya mo bang makita yung sarili mo..
na kasama pa rin siya ha?
sa isang sitwasyong pag naisip mo eh..
mapapaiyak ka na lang sa sakit..
nang dahil din sa kanya?..
kaya mo bang magmukhang tanga..
as in umiyak ng dahil sa kababawan..
ibuhos ang mga nararamdaman mo..
kahit na puro kababawan nga lang naman..as in kahit
sa harapan niya?..
kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya?..
yung tipo bang wala ka ng pakialam..
mawala man ang manners mo..
na wala ka naman talaga..
In short..
KAYA MO BaNG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA?..
yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga..
dahil alam mong..
HINDI MO LANG SIYA TANGGAP..
TANGGAP KA RIN NIYA..
BUONG-BUO RIN..
KAYA MO DIN BANG PUNUAN ANG MGA PAGKUKULANG MO? ISAKRIPISYO ANG MASASAMANG BAGAY NA MAAARING MAKITA NIYA SA YO…
HANDANG HARAPIN NA ITAMA ANG MALI MO…
NANG DAHIL NA RIN SA IKABUBUTI MO??
KAYA MO BA UN??
MGA friends!!..
tama na kasi ang trip..
tama na ang pagmamadali..
oo masarap ngang mainvolve sa isang tao..
pero diba mas masarap yon..
LALO N KUNG ALAM MONG totoo UNG
NARARAMDAMAN MO??
kaya dapat,hindi tayo nagpapa-bulag sa akala nating LOVE..
maghintay na lang tayo..
wag nating unahan..
for all we know,hindi pa pala siya ang para sa atin..
pero pag nasagot mo lahat ng nasa taas..
baka nga.. MAHAL mo na siya... hindi lang mahal
kundi MAHAL NA MAHAL..
HAAY! Pag-ibig nga naman...tsk! tsk!
--excerpts from Ragna's perception of Love (NAX!naman)..konting edit at konting dagdag lang ang ginawa ko..heheh...Please post a comment, if you like this article..i truly appreciate it!:)
Comment Code Here
________________________________